Author: B***7
Date:
Review: I miss you, pero ayoko na... Ang hirap palang mamiss ang isang tao na pinipili mo nang hindi na balikan. May mga araw na gusto kitang kamustahin, ikuwento sa'yo ang mga nangyari sa buhay ko, at balikan kahit saglit ang mga panahong naging masaya tayo. May mga pagkakataong gusto kong kumilos na parang walang nagbago, na parang puwede pa nating ibalik ang dati. Pero hindi na, eh. Hindi na tayo katulad ng dati. At kahit gaano kita namimiss, kailangan kong tanggapin na may mga taong magiging bahagi na lang ng alaala natin. Hindi ibig sabihin na wala na akong pakialam. Hindi ibig sabihin na nakalimutan na kita. Sadyang napagod na akong kumapit sa isang bagay na hindi ko na kayang ibalik nang mag-isa. Kaya kung minsan man ay maisip mo kung bakit hindi na ako nagpaparamdam, sana malaman mong hindi dahil wala na akong namimiss. Minsan, pinipili lang nating manahimik dahil iyon na lang ang natitirang paraan para maghilom. I miss you, pero ayoko nang mawala ulit ang sarili ko sa kakahintay.
Color: Grey
Size: XS

